CONTESTANT NG TNT NA-DISQUALIFY DAHIL SA MALISYOSONG POST SA SOCMED

By: Beth Gelena

NAG-DISQUALIFY ang ‘It’s Showtime’ sa kanilang segment ng Tawag Ng Tanghalan dahil umano sa ‘malicious’ post ng isang contestant sa social media nito.

Si Marco Adobas ay napag-desisyunan ng It’s Showtime na tanggalin after he accused the competition of being “rigged.”


Esplika nila ay na-violate ng contestant ang kanyang pinirmahan na contract agreement.

“Ang mga kalahok sa Tawag ng Tanghalan ay may pinirmahang kasunduan bago magsimula ang kumpetisyon. Sa hindi inaasahang pangyayari, si Marco Adobas ng Pangkat Alon ay may nilabag na alituntunin na nakasaad sa kanyang pinirmahang kasunduan. Dahilan para siya ay ma-disqualify, at hindi na magpatuloy sa kumpetisyon,” ani ng host na si Vhong Navarro.

Navarro noted that the violation stemmed from the social media post Adobas made in which he described the competition as a “cooking show,” an online slang referring to a rigged competition where the winner has already been predetermined.


“At dahil sa mga mabigat na paratang na inilahatla niya sa kanyang social media patungkol sa kumpetisyon at sa programa ay may posibilidad na masampahan siya ng kaso,” dagdag pa ni Navarro.


Tags: Marco Adobas

You May Also Like