Container truck sumabit sa foot bridge, taxi nayupi, driver ligtas

By: Baby Cuevas

Nakaligtas sa kamatayan ang isang taxi driver nang mayupi ang bubungan ng taxi na minamaneho nito, nang kumalas at dumausdos ang nakapatong na container ng isang truck matapos nitong sumabit sa isang footbridge kahapon ng madaling araw sa may Abad Santos Tondo, Maynila.

Ayon sa Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), naganap ang insidente bago mag-ala una ng madaling araw .


Binabaybay umano ng truck na may nakapatong na container ang kalsada, nang pagsapit sa foot bridge ay sumabit ang container, dahilan para ito dumausdos at madaganan ang bubungan ng kasunod na taxi.

Nagkasundo naman ang driver ng truck at taxi na bayaran na lang ang nasirang bubungan ng taxi.


Tags: Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU)

You May Also Like