CONSTRUCTRION WORKER, ARESTADO SA TANGKANG PAGPATAY SA GUWARDIYA

By: Baby Cuevas

KALABOSO ang isang 29-anyos na construction worker matapos nitong tangkaing patayin ang security guard na sumita sa kanya kahapon ng madaling araw sa loob ng construction site sa kanto ng Arlegui at Farnecio Streets sa Brgy. 385, Quiapo, Maynila.

Nasa kustodiya ng Manila Police District-Police Station 14, ang suspek na si Michael Flaviano y Fortunato, 29, ng Ambaca Street, Brgy. Ugong, Valenzuela City nang maaresto ito ng mga pulis alas-2 ng madaling araw.

Ang suspek ay inireklamo ng biktimang si Joel Francisco,52, security guard, ng No. 828 Fullon St., Dagupan, Brgy. 53, Tondo, Maynil. Nagtamo ito ng sugat sa katawan nang saksakin ng suspek.


Ayon sa imbestigasyon, nagalit umano ang suspek sa biktima nang sitahin ito dahil sa pagpasok nang lasing sa construction site.

Binalaan umano ng biktima ang suspek na paglabag umano sa kanilang ‘house rules’ ang paglalasing.

Sa halip na humingi ng paumanhin ay bumunot ng patalim ang suspek at pinagsasaksak ang biktima.

Gayunman, nanlaban ang biktima at nagawa nitong agawin ang patalim sa suspek at kaagad na nagtungo sa Barangay at kalaunan ay dumiretso sa Palanca Police Community Precinct (PCP).


Naaresto naman ang suspek nang mag-responde ang mga pulis at ngayon, ang suspek ay nahaharap sa kasong attempted homicide.#

Tags: Manila Police District-Police Station 14

You May Also Like

Most Read