Latest News

Construction worker, nanutok ng menor, patay

PATAY ang isang 30-anyos na construction worker makaraang manlaban sa rumespondeng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) kasunod ng panunutok ng baril sa dalawang katao, kabilang ang menor de edad, sa Port Area, Maynila, kahapon ng madaling araw (Pebrero 5).

Dead on arrival sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang suspek na kinilalang si Anwar Monsalud Marañan alyas “Bochok”, residente ng 12th Street,, Abante area, Barangay 650, Port Area.

Complainant naman sa reklamong gun toting ang isang Emran Sanpada, nasa hustong gulang; at isang menor de edad .


Sa inisyal na imbestigasyon ni P/Staff Master Sgt. Jero Santos ng MPD-Homicide Section, dakong alas 9:00 ng umaga ng Peb. 5, habang nasa hagdanan ng sa ikatlong palapag ng inuupahang bahay si Sanpada ay tinutukan siya ng baril ni Marañon ng wala umanong dahilan at ipinutok subalit pumalya. Nakatalon upang tumakas si Sanpada kaya ang nakatayo sa gilid ng hagdan na si Mohaimen, isang menor de edad, ang tinutukan ng baril.

Mabilis na nagsumbong sa Barangay 650 si Sanpoda at nagtungo din sila sa Police Community Precint 4 na sakop ng Baseco Police Station 13.

Sa pagresponde nina P/Corporal Erwin Icay, Patrolman Victor Victor, at Pat. Miguel Casañares, nakita nila ang suspek na may binibili sa tindahan sa eskinita kaya nagpakilala silang pulis at pinadadapa ang suspek.

Sa halip na sumunod, kuuha umano ngbaril sa kaniyang sling bag at pinutukan si Cpl. Icay subalit hindi tumama.


Napilitan nang gumanti ng mga putok sina Pat. Victor at Pat. Casañares at nagkapalitan ng mga putok hanggang sa bumagsak na sa daan ang suspek.

Isinugod ng mga pulis at barangay tanod sa nasabing ospital ang suspek na hindi na umabot ng buhay.

Testigo naman na nagkumpirma ng insidente ng pakikipagputukanng suspek sa talong pulis ang duty security guard ng Asian Terminal Incorporated na si Michael Camoro. (Carl Angelo)


Tags:

You May Also Like

Most Read