Latest News

CONSTRUCTION WORKER NA TATLONG ARAW PINAGPASASAAAN ANG 16-ANYOS NA NOBYA, ARESTADO

By: Baby Cuevas

MATAPOS diumanong pagsamantalahan ng tatlong araw ang isang 16-anyos dalagita na kanyang ikinulong sa kanyang inuupahang bahay sa Tondo, Maynila.arestado ang isang 24-anyos na construction worker.

Ayon sa reklamo ng biktimang estudyante at taga -Antipolo City, sinundo umano siya ng nobyo na si ‘Christian’ na nangungupahan sa Mithi Street sa Tondo noong Setyembre 9 dakong alas-7 ng umaga mula sa kanyang tahanan sa Antipolo.

Inakala umano ng biktima na kakain at mamasyal lamang sila ng suspek pero dinala siya nito sa inuupahang bahay sa Tondo at pagdating doon ay tatlong beses umano siyang ginamit ng suspek at kinabukasan ay tatlong beses ulit siyang ginamit nito.


Dalawang araw umano siyang hindi pinayagan ng suspek na lumabas ng bahay hanggang noong Setyembre 11 ay nagawa niyang yayain ang suspek na mamasyal sa Luneta at pumayag naman ito.

Pagdating sa Luneta, nagawa ng biktima na makapanghiram ng cellphone sa isang concerned citizen at kinontak ang kanyang pamilya at sinabi ang kanyang kinaroroonan.

Pagbalik sa bahay ay muli siyang ginamit ng suspek hanggang sa dumating ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) dakong alas-12 ng hatinggabi, kung saan nasagip ang biktima at naaresto ang suspek.

Ang suspek ay sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 8353 (Rape) at RA 7610 o anti- child abuse law sa Manila Prosecutor’s Office.


Tags: Manila Police District (MPD)

You May Also Like

Most Read