CONSTRUCTION WORKER NA NAG-MANYAK SA 3-ANYOS, ARESTADO SA TONDO

By: Baby Cuevas

ISANG construction worker ang arestado matapos nitong manyakin diumano ang isang tres-anyos na batang babae nitong Linggo ng gabi sa Pampanga Street, Tondo, Maynila.

Arestado ng mga tauhan ng Manila Police District -Police Station 7 ang suspect na si Rommel Quinday, 21, ng No. 742 B. Benita Street. Gagalangin Tondo, Maynila.


Ayon sa ina ng biktima, naganap ang insidente alas 8:30 ng gabi sa nabanggit na lugar.

Habang naglalaro ang biktima sa harap ng kanilang bahay ay bigla umanong dumating ang suspek. Niyakap nito ang biktima, hinalikan sa leeg, pisngi at sa labi.

Nakita umano ng ina ang pangyayari kaya mabilis niyang kinuha ang anak at ipinasok sa bahay, bago magtungo sa barangay para humingi ng tulong.


Inaresto ni Kagawad Rogelio Cristobal ng Barangay 185 ang suspek alas- 11:45 ng hatinggabi.

Ang suspek ay sinampahan ng kasong paglabag sa Sec 5 ng RA 7610 o child abuse law sa Manila Prosecutor’s Office.


Tags: Manila Police District -Police Station 7

You May Also Like