Latest News

Construction worker, binoga ng kapitbahay, patay

Patay ang isang 48-anyos na construction worker matapos barilin nang nakatalikod habang kumakain ng kanyang nakaalitan na kapitbahay, kamakalawa ng hapon sa may Balingkit Street,Malate,Maynila.

Nalagutan ng hininga habang ginagamot sa Ospital ng Mqynila,ang biktimang si Christopher Parayno at taga 740HBalingkit St.Malate,Maynila dahil sa tama ng bala sa ulo.


Sa imbestigasyon ni PSSg Roderick Magpale,ng Manila Police District-homicide section,ala 1:45 ng hapon nang maganap ang pamamaril sa nabanggit na lugar.

Nabatid na kumakain amg biktima sa isang foodcart nang lumapit ang suspek at binaril ng malapitan ang biktima.

Isinugod naman ni Jensen Parayno ,anak ng biktima sa pagamutan ang ama pero hindi rin naisalba ng mga doktor.


Patuloy naman pinaghahanap ang suspek na nakaalitan umano ng biktima. (Philip Reyes)


Tags: Police District-homicide section

You May Also Like