CONSTRUCTION WORKER, ARESTADO SA PAGPATAY SA PUSA

By: Baby Cuevas

ARESTADO ng mga tauhan ng Manila Police District – Smokey Mountain Police Community Precinct ang isang 31-anyos na construction worker dahil umano sa pagpatay sa isang pusa na kanyang pinagpapalo ng stick sa Tondo, Maynila.

Inireklamo na at ngayon ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 8485 o The Animal Welfare Act of 1998 as amended by R.A. 10631, ang suspek na si Marvin Arasa, ng No. 2460 Malaya St., Brgy. 125, Tondo, Maynila .


Ang kaso ay nag-ugat sa reklamo ni Tirzah Lim, Presidente ng Humane Philippines (Animal Welfare Organization), 43 at may Office address sa D13 Unit GS4-02V 2/F Gems Plaza Bidg. Circumferential Road, Dalig City of Antipolo, Rizal at Gemma Escultura, 26, may-ari ng pusa at taga- 2460 Malaya Street Brgy. 125 Tondo, Maynila.

Napag-alaman na nitong Abril 3,2025, dakong alas-2 ng madaling araw nang paghahatawin ng stick ng suspek ang pusa ni Escultura, na nagresulta sa pagkamatay ng alaga nito.

Inireklamo ng biktima ang pangyayari kaya naaresto ang suspek at sinampahan ng kaso sa Manila Prosecutor’s Office.


Tags: Manila Police District - Smokey Mountain Police Community Precinct

You May Also Like