SASAMPAHAN ng kasong paglabag sa Customs Modernisation and Tariff Act (CMTA) at RA9165 o Comprehensive Drug Act of the Philippines, ang matutukoy na consignee matapos masabat ng magkasanib na tauhan ng Bureau of Custom Port of NAIA (BOC-NAIA) at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) miyembro ng NAIA Drug Interdiction Task Group (NAIA-DITG) ang may P926,075 halaga ng ecstacy tablets at cannabis oils sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City.
Nalaman na may kabuuang apat na shipments ang naharang sa pamamagitan ng masusing eksaminasyon na naglalaman ng ilegal na droga at substance.
Ang unang shipment ay nagmula ss Germany na naglalaman ng 394 piraso ng ecstacy tablets na tinatayang nasa Php 669,800.
Habang ang ikalawang shipment ay mula sa United States of America at nasiskubreng naglalaman ng 425 gramo ng pinaghihinalaang cannabis at cannabis oils na may market vale na P247,200.
Samantalq,naharang pa ang 2 panibagong shipment sa pamamagitan ng FEDEX at DHL Warehouses na naglalaman ng Cannabis Oils na nakadeklarang vitamins at vape cartridges na may cannabis extract.
Itinurn-over sa PDEA para sa kaukulang imbestigasyon ang mga nasabat ba iligal na droga. (TSJ)