CONG. TEVES, MGA KASAMA, IDINEKLARANG MGA TERORISTA NG ATC

By: Victor Baldemor Ruiz

TULUYAN nang idineklara ng Anti-Terrorism Council (ATC) na isang terorista si Congressman Arnulfo Teves Jr. at mga kasama nito na tinaguriang “Teves Terrorist Group” matapos umano ng ilang buwang pag-aaral ng nasabing ahensiya.

Umalma naman ang mga abogado nina Teves at mga indibidwal na kasama nito na tinaguriang mga terorista ng ATC dahil wala naman umanong basehan ang ginagawang terror tagging .


Hindi naman umano nakakagulat ang nasabing deklarasyon, dahil desperado umano ang gobyerno na idiin si Teves sa pagkamatay ni Negros Oriental Governor Roel Degamo ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, na legal counsel ni Rep. Arnolfo Teves, Jr.

Kahapon ay mabilis na kumalat ang pahayag ng ATC na nagdedeklara kay suspended Negros Oriental Third District Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr. na isang terrorist dahil sa pagpaplano nito at pagsasakatuparan umano sa madugong March 4 massacre na ikinamatay ni Gov. Roel Degamo at ng siyam na iba pa.

Tinagurian din ng nasabing konseho ang mababatas na siyang lider ng “Teves Terrorist Group.”


Kabilang sa mga tinaguriang mga terorista sina Pryde Henry Teves, ang batang kapatid ng kongresista at dating gobernador ng Negros , at ang kanyang alleged bagman na si Marvin Miranda.

Sangkot sa sinasabing terror group ang dating bodyguard ni Teves nasi Nigel Electona, Tomasino Aledro, Rogelio Antipolo, Hannah Mae Oray, Rommel Pattaguan, Winrich Isturis, John Louie Gonyon, Dahniel Lora, Eulogio Gonyon Jr., at Jomarie Catubay.


Sa pinagtibay na resolution ng ATC na may petsang July 26, sinabi nito na si Teves ang umanoy leader at mastermind ng grupo habang ang kapatid nito at si Electona ang siyang nagsusuply ng mga gamit ( material support) .”

“Investigation also reveals that Hannah Mae Sumero Oray handles the operational funds for the killings while Marvin H. Miranda acts as organizer and recruiter of personnel for specific terrorist attacks,” ayon sa ATC .


Magugunitang una ng inihayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na posibleng ideklarang isang terorista si Teves.

“In this case, the activities that led to the killing on March 4, all are covered under the anti-terror law: the recruitment, the financing, the purchase of firearms, the distribution of firearms,” ani Remulla.



Tags: Congressman Arnulfo Teves Jr.

You May Also Like

Most Read