Latest News

Cong. Alfred Vargas, 2 pa gigisahin sa Ombudsman

NAKATAKDANG gisahin sa Office of the Ombudsman sa kasong katiwalian at korapsyon sa multi-milyong pondo para sa programa ng Department of Labor and Employment (DOLE) na Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced ng mga manggagawa sina District 5 Representative Alfred Vargas, District 2 Representative Precious Hipolito-Castelo at District 1 Representative Onyx Crisologo.

Batay sa ulat sinampahan ng reklamong katiwalian at korapsyon sina Vargas dahil umano sa talamak na bulsahan ng milyun-milyong halaga ng pondo para sa implementasyon ng TUPAD program ng (DOLE).

Opisyal na ring ipinag-utos ni Ombudsman Samuel Martirez ang isang “moto propio investigation” laban sa mga sangkot sa multi-milyong katiwalian sa TUPAD.

Ang anomalya sa pagpapatupad ng TUPAD na ang tunay na layunin ay mabigyan ng pansamantalang trabaho ang mga manggawa sa informal sector ay iniimbestigahan din ng National Bureau of Investigation (NBI).

Ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello III, may sapat na ebidensiya ang NBI na gagamitin sa isasampang patung-patong na mga kasong kriminal laban sa kina Vargas at mga kasabwat nito sa umanoy pambubulsa ng pondog inilaan ng DOLE sa mga manggagawang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya ng COVID – 19 sa bansa.

Maliban pa sa kasong kinakaharap ni Vargas kaugnay ng umanoy anomalya sa TUPAD program, ito ay may kinakaharap din na kasong katiwalian at korapsyon na isinampa din sa Ombudsman tungkol sa umanoy maanomalyang programa nito na “Palupa at Pabahay” sa mga mahihirap na residente ng Distrito 5 ng Quezon City.

Ibinulgar ito noon sa isang “privilege speech” ni Quezon City Distrct 5 Councilor Allan Francisco na nagsabing ito ay batay sa reklamo ng mga biktima at batay din sa sarili niyang isinagawang imbestigasyon. Walang katotohanan umano ang nasabing proyekto.

Nabatid pa na hindi rin umano isinauli ang milyun-milyong piso na ibinayad ng humigit kumulang na 500 pamilya ng tanggapan ni Vargas.

Ang umanoy anomalya sa implementasyon ng TUPAD gayundin sa “Pabahay at Palupa” program ay mga isyu na dapat sagutin at ipaliwanag ni Vargas sa kanyang nasasakupan sa District 5 ng Quezon City, subalit sa halip na harapin at magpaliwanag si Vargas ay pilit nitong na nililihis ang katotohanan sa pamamagitan ng paninira sa katunggali ng kanyang kapatid sa eleksyon sa pagka-kongresista ng Distrito 5.

Nabatid na pawang kasinungalingan at maling impormasyon ang ipinapakalat ni Vargas sa media at mga residente ng Distrito 5 laban sa negosyanteng si Rose Nono Lin dahil nangunguna ito sa mga kandidato sa pagkakongresista ng Distrito 5.

Tapos na ang termino ni Vargas kaya ang kapatid niyang na si Konsehal Patrick Vargas ang inilalaban ng pamilya Vargas upang manatiling hawak nila ang Distrito 5

Napag-alaman pa na ang isyung ipinapakalat ng kampo ni Vargas laban kay Nono-Lin ay pawang kasinungalingan, imbento, malayo sa katotohan at imbento lang ng malisyosong isipan, ayon sa kampo ng kalaban ni Vargas.

Binigyang diin pa ng kampo ni Nono-Lin na wala itong pinerwisyong mamamayan ng Distrito 5.

Walang rin umanong magawang matino ang kampo ni Vargas, kundi manira upang mawala sa isipan ng mga residente ng Distrito 5 ang talamak na korapsyon sa TUPAD ng DOLE.

Tags:

You May Also Like

Most Read