Latest News

Composition ng 2 dibisyon, isinapubliko ng Comelec

ISINAPUBLIKO na ng Commission on Elections (Comelec) nitong Huwebes ang bagong komposisyon ng dalawang dibisyon nito.

Kasunod na rin ito ng pagtatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan ng mga karagdagang opisyal ng poll body.

Sa isang mensahe sa mga mamamahayag, sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia na ang First Division ng poll body ay binubuo nina Commissioner Socorro Inting na siyang mamumuno dito, habang magiging miyembro naman sina Commissioner Aimee Ferolino at Commissioner Aimee Neri.


Si Commissioner Marlon Casquejo naman ang mamumuno sa Second Division habang sina Commissioner Rey Bulay at Commissioner George Garcia naman ang magsisilbing mga miyembro.

Noong Marso 8, inianunsiyo ng Malacañang ang pagtatalaga ni Pangulong Duterte kay Saidamen Balt Pangarungan, dating pinuno ng National Commission on Muslim Filipinos, bilang chairperson ng Comelec habang sina Garcia at Neri naman ay itinalaga rin bilang Comelec commissioners. (ANDOY RAPSING)

Tags:

You May Also Like

Most Read