Arestado ng mga ahente ng National Bureau of Investigation – Anti-Organized and Transnational Crimes Division (NBI-AOTCD) ang isang company manager na nang-umit ng mahigit P.5 milyon sa pinaglilingkurang medical clinic,kamakailan sa Maynila.
Sinampahan ng kasong qualified theft sa Manila Prosecutors office ng NBI-AOTCD,ang suspek na si Casimero Lopez,alyas Cassey.
Nag-ugat ang pag-aresto sa suspek matapos na magreklamo ang may-ari ng Clemen Medical Clinic nang matuklasan na nawawala sa vault ang halagang Php585,806.00 noong Setyembre 7.
Nabatid na ang suspek lamang ang may access sa vault ng kumpanya at inamin naman nito kaagad nang komprontahin na kinuha niya ang pera ,ini-invest at inasahan na maibabalik noong Agosto, pero nalugi.
Nangako naman ang suspek na ibabalik ang nadispalkong pera sa susunod na linggo pero nabigonito na maibalik kaya nagreklamo sa NBI ang may-ari ng medically clinic na hindi nagpabanggit ng pangalan sa NBI dahilan para arestuhin ang suspek.