Latest News

COMPANY DRIVER, PATAY SA MOTORSIKLO

By: Baby Cuevas

Nasawi ang sang company driver nang masagasaan ng motorsiklo habang naglalakad sa flyover sa Pandacan, Manila Linggo ng gabi.

Naisugod pa sa Philippine General Hospital (PGH) ang biktimang si alyas ‘Rudy,’ 58, residente ng Jesus St., sa Pandacan ngunit binawian rin ng buhay nitong Lunes ng madaling araw, bunsod ng matinding sugat sa ulo at katawan.

Sugatan naman at nilalapatan ng lunas sa Ospital ng Maynila ang rider na si alyas ‘Moses,’ 49, ng Tejeron St., Sta. Ana, Manila matapos na sumemplang dahil sa tindi ng impact nang pagkabangga.


Batay sa ulat ng Vehicle Traffic Investigation Section (VTIS) ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), nabatid na dakong alas-8:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa eastbound lane ng Paco-Sta. Mesa Flyover, sa Pandacan.

Kasalukuyan umanong binabagtas ng suspek ang nabanggit na lugar, lulan ng kanyang Yamaha Aerox, nang pagdating sa pababang bahagi ng fly over ay bigla niyang mabangga ang biktima na noon ay naglalakad sa kalsada.


Tumilapon ang biktima at rider, dahilan upang sila ay kapwa masugatan.


Tags: Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU)

You May Also Like

Most Read