Naghihingalo na ang operasyon ng mga community bakery dahil sa patuloy na pagtaas ng mga sangkap na ginagamit sa paggawa ng tinapay.
Ito ang kinumpirma ni Lucito Chavez, presidente ng Samahan ng Panaderong Pinoy sa isang panayam,matapos ang ginawang pagpupulong sa mga miyembro ng SPP.
“Stable naman ang presyo ng arina,kaso ang presyo ng diesel,at iba pang raw materials ay patuloy sa pagtaas,”ayon kay Chavez.
Marami umanong panadero ang lugi na at gusto nang magsara ng kanilang bakery.
Hindi na rin umano siya makagawa ng Pinoy pandesal at tasty dahil wala nang kikitain sa presyong P42. Kada loaf.
Kasabay nito,nanawagan si Chavez sa papasok na administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos na pagtuunan palakasin ang agricultural crops para maging sangkap sa paggawa ng tinapay.
“Yung ibang agrucultural crops,gaya ng kamote,ini-import pa yan, kung ang gagamitin ay agricultural crops,kikita ang mga magsadaka at lalakas ang pruchasing power,”dagdag ni Chavez.
Hindi umano sila makapag taas ng presyo ng pandesal sa pangamba na wala ng bumili nito at lumiit pa ang produksyon ng tinapay.
Nabatid na upang makaagapay kahit papaano dapay ay nasa P4.- hanggang P5. ang presyo ng pandesal. (TSJ)














