Latest News

COMMERCIAL-RESIDENTIAL AREA, NASUNOG SA MAYNILA

By: Baby Cuevas

NASUNOG kahapon ng hapon ang anim na commercial at residential units sa panulukan ng Tomas Mapua at Lope de Vega Streets sa Sta. Cruz, Maynila.

Ayon sa inisyal na ulat ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP), alas-3:39 ng hapon nang magsimula ang sunog sa ikalawang palapag na umabot sa ikalawang alarma at idineklarang ‘fire under control’ alas-4:46 ng hapon.

Mabilis umano na kumalat ang sunog dahil ang gusali ay luma na at yari sa kahoy.

Kabilang sa nasunog ang ilang carinderia at vape shops, na nakatayo sa nabanggit na. lugar.

Samantala, wala namang iniulat ang BFP na may nasaktan o nawawala sa naganap na sunog, maliban sa isang lalaki na napansing nahirapan huminga dahil sa makapal na usok.

Iniimbestigahan ng arson ang sanhi ng sunog at halaga ng napinsalang ari-arian.

Tags:

You May Also Like

Most Read