Latest News

COMMANDO GANG NA DE BARIL, HULI SA MAYNILA

By: Baby Cuevas

ARESTADO ng mga tauhan ng Manila Police District – Police Station 3 ang isang lalaki na hinihinalang napigilan sa masamang balakin, matapos na isumbong ng isang concerned citizen na nakapuna sa kanyang kahina-hinalang kilos kahapon ng umaga sa panulukan ng Tomas Mapua at Fugoso Streets sa Brgy. 335, Sta. Cruz, Maynila.

Binitbit nina Pat. Mark Jefferson Santos at Pat Arvin John Echalar ng Alvarez Police Community Precinct (PCP) sa presinto ang suspek na si Tristan Tepait, 40,miyembro ng Commando gang at taga #1126 F. Isabel Bldg, Tomas Mapua St., Brgy. 335, Sta.Cruz Maynila matapos maaktuhang hawak ang isang .38 kalibreng baril na may apat na bala at tila may tina-target.

Bago maaresto ang suspek, isang concerned citizen ang lumapit sa mga nagpa-patrulyang pulis at isinumbong na may baril ang suspek, na kaagad namang pinuntahan ng mga pulis.


Ang suspek ay sinampahan sa Manila Prosecutor’s Office ng kasong paglabag sa R. A 10591 (Comprehensive Law on Firearm and Ammunition) at R.A 7166 (Omnibus Election Code o gun ban).


Tags: Manila Police District-Police Station 3

You May Also Like

Most Read