Arestado sa mga tauhan ng Manila Police District -Police Station 12 ang isang miyembro ng ‘Commando Gang’ dahil sa diumano ay pagbebenta ng shabu sa Gate 10, Area B, Brgy., 20, Zone 2, Parola Compound, Tondo, Maynila.
Ang suspek na si Omer Miague,alyas Omer,29 ,taga Gate 8, Area B, Brgy., 20, Zone 2, Parola Compound, Tondo, Maynila, ay nasa kustodiya ng naturang pulisya.
Isang concerned citize ang tumawag umano sa presinto at inireklamo ang isang lalaki na nagbebenta ng shabu sa nasabing lugar,alas 3:30 ng.madaling araw.
Nang sitahin, nakuha sa suspek ang dalawang sachet ng shabu na.tumitimbang ng 16 na gramo at may street value na P108,000. .
Ang suspek ay sinampahan ng kasong paglabag sa RA9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa Manila Prosecutors’ Office.














