Latest News

COMELEC WALA NANG MAGAGAWA SA MGA PARTY-LIST GROUPS NA GINAGAMIT NG MGA TRAPO AT NEGOSYANTE

AMINADO ang isang opisyal ng Commission on Elections (Comelec) na wala na silang magagawang aksyon para habulin ang mga akreditadong party-list groups na iniulat ng Kontra Daya watchdog na ginagamit ng mga tradisyunal na politiko at mga negosyante.

Sa unang inilabas na datos ng Kontra Daya, nasa 70% ng 177 party-list groups na binigyan ng akreditasyon ng Comelec para sa halalan sa Mayo 9 ang ginagamit lamang tradisyunal na politiko at mga negosyante at hindi pinamumunuan ng dapat sana ay totoong kinatawan ng mga sektor.

Nasa 44 na party-list groups ang kinokontrol ng mga ‘political clans’, 21 ang may koneksyon sa malalaking negosyo at 34 ang walang malinaw na mga adbokasiya at mga kinakatawan. Nasa 32 naman ang may koneksyon sa pamahalaan o sa militar, 25 ang may ‘incumbent’ na opisyal na tumatakbo bilang nominee at 19 ang may nakabinbin na kaso sa korte.


“As regards the various issues raised against certain partylist groups , these are procedurally moot at this point. The decisions on their accreditations have long attained finality hence , immutable and can no longer be disturbed,” pahayag ni Comelec Commissioner George Garcia.

Ito umano ang dahilan kung bakit kinakailangan na makapagsumite ng kanilang manipestasyon o oposisyon ang sinuman sa tamang panahon para masuri ang inirereklamo nilang grupo o kandidato.

“Failure in this respect and there being no injunctive writ from a higher court, these PLs (party-lists) will have to be included in the ballots,” giit ni Garcia.

Idinagdag niya na nirerespeto naman ng Comelec ang inisyatibo ng Kontra Daya at iba pang grupo na nakakatulong sa pagbuo ng mga susunod na mga polisiya para sa mas kredibleng halalan.


Tags: Commission on Elections (Comelec)

You May Also Like

Most Read