UMAASA ang Commission on Elections (COMELEC) Manila na magiging maayos at payapa ang nalalapit na halalan partikular sa hanay ng local elective positions.
Ito ang inihayag ng COMELEC matapos ang isinagawang unity walk at peace covenant signing.
Ayon kay Atty. Jerico Jimenez, Election Officer IV, COMELEC Manila na kumatawan kay Commissioner George Erwin Garcia, umaasa ang poll body na magiging patas at tapat ang mga lokal na kandidato sa patakaran sa 2025 midterm elections.
“Sa mga kumakandidato, tandaan lang, lagi po tayong tatalima sa pinag-uutos ng Comelec. Huwag pong pasaway,” anang Comelec.
Una nang ipinanawagan ni Garcia sa mga local aspirants ngayon na lahat sila ay nasa ilalim ng ng jurisdiction ng Comelec kaugnay sa pagsisimula ng campaign period.
Sa ilalim naman ng kasunduan, nais masiguro ang seguridad ng bawat Pilipino sa pagboto, malaya sa banta, pananakot, o karahasan.#