Comelec registration, nagtala ng halos 490K applications

Umabot na sa halos 490,000 aplikasyon para sa nagpapatuloy na registration ng mga regular at youth voters ang natatanggap ng Commission on Elections (Comelec) mula nang umpisahan nila ang pagpapatala nitong Hulyo 4.

Sinabi ni Comelec spokesperson John Rex Laudiangco na nitong Hulyo 8, nasa 487,628 aplikasyo na na ang kanilang natatanggap, base sa Nationwide Consolidated Daily Report na inilabas ng Election and Barangay Affairs Department (ECAD).


Kabilang dito ang 302,040 indibidwal na may edad 15-17 taong gulang; 157,925 na may edad 18-30; at 21,270 na nasa 31 taong gulang pataas.

May 88,471 indibiwal ang nag-apply para sa transfer sa ibang siyudad o munisipalidad; at 21,270 ang aplikasyon para sa transfer sa parehong siyudad o munisipalidad.

Nasa 3,986 ang aplikasyon para sa transfer na may kasamang reactivation ng kanilang rehistrasyon; 1,323 ang aplikasyon para sa reactivation at correction sa kanilang entries; at 4,712 ang aplikasyon para sa transfer at correction ng kanilang entries.


Nasa 27,883 ang nag-aplay para sa reactivation; 6,303 para sa reactivation at correction; 18,577 sa change of names/correction of entries; 58 para sa makasama sa Book of Voters; 11 para sa pagpapabalik sa List of Voters; at 1,697 para sa transfer mula sa overseas voting sa local voting.

Tatagal ang voter’s registration hanggang Hulyo 23 lamang at maaaring magtungo ang mga aplikante sa mga election office mula Lunes hanggang Sabado kabilang ang holidays para makalahok sa darating na Sangguniang Kabataan at Barangay Elections sa Disyembre. (Carl Angelo)


Tags: Commission on Elections (Comelec)

You May Also Like