COMELEC, PINATE-TERMINATE ANG IMBESTIGASYON LABAN KAY MARCOLETA

By: Jerry S. Tan

Naglabas ng resolution ang Commission on Elections (Comelec) en banc na pinate-terminate ang imbestigasyon laban kay Senator Rodante Marcoleta ukol sa hindi nito pagdedeklara ng kanyang election donors sa kanyang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) para sa May 2025 elections.

Napag-alaman kay Comelec Chairman George Garcia na ayon sa isang resolusyon na inilabas nitong Miyerkules, Marso 18, in-adopt ng Comelec en banc ang rekomendasyon ng Political Finance and Affairs Department (PFAD) na i-terminate ang imbestigasyon laban sa senador dahil sa kawalan ng ibang ebidensiya na nagpapakita na ang respondent ay nakagawa ng anumang election offense.


Inirekomenda rin nito ang paghahain ng election offense complaints sa Law Department laban sa mga donors ng mambabatas na sina Michael Tan Defensor, Joseph Varias Espiritu, at Aristotle Baluyut Viray, bunsod ng pagkabigo nilang magsumite ng kani-kanilang indibidwal na report of contributions sa loob ng 30-araw matapos ang halalan.

“For PFAD to file a complaint for election offense before the Law Department for the conduct of preliminary investigation against the three contributors of the Respondent… due to their failure to submit their respective individual Report of Contributions within 30 days after the election,” saad pa ng resolusyon.

Ayon naman sa rekomendasyon ng PFAD, “Submission of said report is mandatory. Failure to observe such legal obligation constitutes an election offense for which any contributor may be held liable.”


Bago niyan, una nang nagdesisyon ang Comelec na magsagawa ng motu proprio fact-finding investigation laban kay Marcoleta nang aminin nito sa isang TV interview na hindi niya idineklara ang kanyang mga sponsors matapos na humiling ang mga ito ng anonymity o di pagkakakilanlan.

Nagdeklara si Marcoleta ng zero contributions sa kanyang SOCE, gayung gumastos siya ng P139.9 milyon sa kanyang kampanya para sa midterm polls at nagdeklara lamang ng halagang P51,965,559 sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net worth (SALN).


Tags: Commission on Elections (Comelec)

You May Also Like