COMELEC, PINALAWIG ANG LOCAL ABSENTEE VOTING

By: JANTZEN ALVIN

INIHAYAG ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpapalawig ng registration period para sa local absentee voting (LAV) mula Marso 7 hanggang sa Marso 17, 2025.

Ayon sa resolusyong inilabas ng Comelec nitong Lunes, pinalawig rin ng poll body ang deadline para sa beripikasyon ng LAV registrants mula Abril 8 hanggang Abril 11.


Samantala, sinabi ni Comelec Chair George Erwin Garcia itinakda naman sa Abril 27 ang transmittal ng listahan ng mga kuwalipikadong local absentee voters, local absentee ballots, at iba pang election forms.

Ayon kay Garcia, nagpasya ang Comelec na palawigin ang LAV bunsod na rin ng natanggap ng mga kahilingan hinggil dito.

“Whereas, in light of numerous requests for extensions of the aforementioned deadlines from various government units, offices, agencies and departments and considering the observance of Holy Week from April 17 to April 20, 2025, the Commission deems it necessary to amend Comelec Resolution No. 11091,” nakasaad pa sa resolusyon.

Kabilang sa absentee voters sa Pilipinas ang mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), at maging media practitioners, na magdu-duty sa mismong araw ng halalan.


Ani Garcia, ang voting period para sa absentee voters ay magsisimula sa Abril hanggang 28 at magtatagal hanggang sa Abril 30, 2025.

Tags: Commission on Elections (Comelec)

You May Also Like

Most Read