COMELEC: Pinakamataas na voter turnout, naitala sa 2025 midterm polls

By: JANTZEN ALVIN

NAITALA ngayong taon ang pinakamataas na voter turnout para sa isang midterm elections sa bansa.


Ito ang knumpirma ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia, kasabay ng pahayag na ang kabuuang bilang ng mga bumoto sa katatapos na midterm polls ay naitala nila sa 81.65%.

Aniya, ito ang naitalang pinakamataas na voter turnout para sa isang midterm polls, sa buong kasaysayan ng poll body.

“This is the highest [voter turnout] in a midterm election,” ayon kay Garcia, sa isang pulong balitaan sa Manila Hotel Tent City.


Ayon sa poll chief, ang pagtaas ng voter turnout ay bunsod ng pagdagsa ng mga kabataang botante, tulad noong 2022 polls.

Anya, halos kahalintulad din ito ng naitalang turnout sa 2022 presidential polls, na nasa 82.5%.


Tags: Comelec chair George Garcia

You May Also Like