Comelec, pinagpapaliwanag ng SC sa petisyon ng Smartmatic

By: Anthony Quindoy

Inatasan ng Supreme Court(SC) ang Commission on Elections (Comelec) na magpaliwanag sa petisyon isinampa ng Smartmatic TIM Corporation at Smartmatic Philippines, Inc., na kumukwestiyon sa desisyon ng poll body na idiskuwalipika sila sa bidding process para sa Automated Election System sa 2025 National and Local Elections at sa anumang public bidding na may kaugnayan sa eleksiyon.

Sa inilabas na resolusyon ng SC ,inatasan nito sina Comelec en banc, Eliseo Mijares Rio Jr., Augusto Cadeliña Lagman, Franklin Fayloga Ysaac at Leonardo Olivero Odoño na magsumite ng kanilang komento sa loob ng 10 araw matapos na matanggap ang notice.


Nabatid sa petisyon ng Smartmatic na kinuwestiyon nito ang resolusyon ng Comelec na may petsang Nobyembre 29,2023 na nag -disqualocoed sa Smartmatic na makilahok sa bidding process sa darating na 2025 national and local elections, gayundin sa iba pang bidding .

Nag-ugat ang desisyon nang hindi pasalihin ang Smartmatic matapos na maghain ng petisyon si Ysaac, dating Department of Information and Communications Technology (DICT) Undersecretary Rio Jr., former Comelec Commissioner Lagman at retired Col. Odoño.


Tags: Supreme Court(SC)

You May Also Like