Ngayong Lunes ay sisimulan na ng Commission on Elections (Comelec) ang pag-iimprenta ng mga balota para sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) sa Disyembre, habang hindi pa ganap na naisababatas ang panukala na suspindihin ito.
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, dapat nang umpisahan ang pag-imprenta na kailangang matapos ng Oktubre 20. Unti-unti na rin umano na nai-aaward ang pagbili ng mga kagamitan na kanilang babayaran sa oras na madeliver.
Sinabi ni Comelec spokesperson John Rex Laudiangco na hindi naman masasayang ang mga bibilhing suplay para sa 2022 BSKE kung sakaling masususpinde ito dahil sa magagamit naman sa araw kung kailan maililipat ang araw ng eleksyon.
Parehong gumugulong na ngayon sa Kongreso at Senado ang mga panukala ng pagsusupinde sa BSKE sa Disyembre 2023.
Matatandaang sinabi ni Garcia na kung maaantala ang BSKE sa 2023 ay mangangailangan ng mas malaking pondo ang Comelec para maisagawa ito, habang hindi naman magagamit ang kasalukuyang pondo para sa ibang bagay.
Mangangailangan ng P10 bilyon ang Comelec kung maitatakda ang BSKE sa Mayo 20223 at mas malaking P17 bilyon kung sa Disyembre 2023 ito gagawin. (Jantzen Tan)














