Latest News

Comelec: Newly registered voters para sa 2023 BSKE, nasa 1.1M na

Umakyat na sa 1.1 milyon ang mga botanteng nagpatala upang makaboto sa 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ayon kay Commission on Elections (Comelec) chairman George Garcia, ang naturang datos ay naitala nila simula noong Disyembre 12, 2022, kung kailan sinimulan ang voter registration.


Sa naturang bilang aniya, tinatayang nasa 7,000 voter registration applications ang naiproseso sa ilalim ng kanilang Register Anywhere Project (RAP), habang ang iba pa ang nagpatala naman sa ilalim ng regular na rehistruhan.

Kaugnay nito, muli namang hinikayat ni Garcia ang publiko na samantalahin ang mga natitira pang araw ng voter registration upang makapagparehistro at makaboto sa nalalapit na eleksiyon.

Ang regular na voter registration ay nakatakdang magtapos sa Enero 31 habang ang RAP naman ay sa Enero 25, 2023.


Ang BSKE ay idaraos sana noong Disyembre 2022, ngunit naipagpaliban sa Oktubre 2023. (Anthony Quindoy)


Tags: Commission on Elections (Comelec)

You May Also Like