Umaabot na umano sa mahigit dalawang milyon ang mga botante na nagparehistro sa Commission on Elections (Comelec) para sa 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Sa pinakahuling datos na inilabas ni Comelec Spokesperson Rex Laudiangco nitong Lunes, nabatid na hanggang Enero 28, 2023, nakapagtala na sila ng 2,085,142 registrants para sa 2023 BSKE.
Sa naturang bilang, 1,243,822 ang new registrants.
Nasa 2,076,491 naman ang nagproseso ng kanilang rehistro sa regular na proseso habang 8,651 namang ang nag-register sa pamamagitan ng Registration Anywhere Project (RAP).
Karamihan umano sa mga registrants ay 15to 17 years old na nasa 582,299; 18 to 30 years old na nasa 543,553; at 31 pataas na nasa 117,970.
Inaasahan namang madaragdagan pa ang naturang bilang.
Ang voter registration ay nakatakda nang magtapos ngayong Enero 31, 2023.
Una nang sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na hindi na sila magpapatupad ng extension sa rehistruhan ngunit palalawigin ang registration hours sa huling araw nito. (CARL ANGELO)