Sina Comelec Chair George Garcia at spokesperson Atty. John Rex Laudiangco habang sumasagot sa mga katanungan ng media.

COMELEC, NAGPAALALA SA MAY 17 DEADLINE SA PAGTANGGAL NG CAMPAIGN MATERIALS

By: JANTZEN ALVIN

NAGPAALALA si Commission on Elections (Comelec) chairman George Garcia sa lahat ng kandidato na tumakbo sa katatapos na midterm polls na may hanggang Mayo 17 (Sabado) na lamang sila upang tanggalin ang lahat ng kanilang campaign materials.


Ayon kay Comelec Spokesperson Atty. Rex Laudiangco, alinsunod sa resolusyong inilabas ng Comelec, mayroon lamang limang araw ang mga kandidato, mula sa araw ng eleksiyon, upang magtanggal ng campaign materials nito.

Sinabi ni Laudiangco na kabilang sa dapat tanggalin ng mga kandidato ay ang mga election posters at paraphernalia, gayundin ang mga ginamit nilang social media contents.

Nagbabala rin naman si Laudiangco na ang mga kandidatong mabibigong magtanggal ng campaign materials, ay maaaring maharap sa election offense.


“Ayon sa ating resolution na implementation ng ating Fair Elections Act, they have five days to remove their campaign materials and that includes their posts on social media kung direktang campaign material,” pahayag ni Laudiangco, sa isang ambush interview.

Dagdag pa niya, “It will be deemed as an election offense. Hindi man po mahabol pa ng disqualification, sabihin na natin wala ng time mag-file, meron pa rin naman pong election offense case.”


Samantala, ipinaliwanag ni Laudiangco na ang sinumang kandidato na mako-convict sa anumang election offenses ay maaaring maharap sa disqualification case.


Tags: Commission on Elections (Comelec)

You May Also Like

Most Read