Latest News

Comelec, nagmamakaawa na sa NBI

NAGMAMAKAAWA at nakikiusap si Commission on Elections Commissioner George Garcia sa National Bureau of Inbestigation (NBI) na ilabas na ang resulta ng imbestigasyon kaugnay sa security breach ng Smartmatic automated election system sa lalong madaling panahon.

Sinabi ni Garcia na hinihintay na ng Comelec ang resulta ng imbestigasyon para maipaalam sa publiko at makagawa pa ng aksiyon bago sumapit ang halalan sa Mayo 9.

“Nagmamakaawa kami, nakikiusap kami sa NBI na sana mailabas na po ‘yung kanilang findings upang kahit paano ay masabi namin sa publiko na ito po ang nangyari, wala naman palang effect sa Comelec halimbawa, at the same time, ito ang aming gagawin correspondingly,” ani Garcia.

Habang hinahantay ang resulta ng imbestigasyon ng NBI ,gusto umanong matiyak ng Comelec na nakaseguro ang automated election system (AES).

Una nang sinabi ni Senator Imee Marcos, chairperson of the Senate Committee on Electoral Reforms, na maaeing nani-kompromiso sa Smartmatic data breach ang personal information, ledgers, office photos, at contact persons aa Comelec, at ang mga naturag data ay nasa kamay na ng sindikato.

Sa panig naman ng NBI ,masa.kustodiya na nila ang Smartmatic employee na sangkot umano sa security breach.

Iginiit naman ni Smartmatic spokesman Atty. Christopher Louie Ocampo .sa ginanap.na.mahdinig ng e House Committee on Suffrage and Electoral Reforms na hindi na hacked ang kanilang system at nanatiling 100% ligtas at naka seguro ang Eleksyon 2022.

Ang source code at software ng AES ay kontrolado ng Comelec at may sariling poll server ang poll body.

“Sa ganitong klaseng halalan at proseso, ang pinaka-importante sa lahat ay ang tiwala ng mamamayan” dagdag ni Garcia.

“Huwag po kayong magalala, nasa kapangyarihan ng Comelec na puwede kaming, anytime, magpunta sa iba pang sistema”. (Jaymel Manuel)

Tags:

You May Also Like

Most Read