Latest News

COMELEC, NAGBABALA SA MGA ARTISTA

NAGBABALA ang Commission on Election(Comelec) sa mga artista at iba pang celebrities na huwag gamitin ang kanilang programa para ipangampanya ang kanilang pinapaborang kandidato.

Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na maaaring maging isyu ito dahil sa posibleng maikunsidera sa “donated advertising time” ang kanilang pag-endorso na ikakaltas sa oras ng kanilang kandidato.

Nalaman na maliban sa mga programa sa telebisyon o radyo, sakop rin nito ang mga social media platforms tulad ng YouTube, Tiktok, Facebook at iba pa.

Nakasaad rin sa batas na angmga celebrity na tumatakbo sa halalan na kailangang mag-leave muna sila sa kanilang mga programa sa panahon ng kampanya.

“Under election laws, candidates who have programs should take a leave from their programs. We do not refer to endorsers but again it’s good practice siguro to not use their platforms to campaign because magiging issue ‘yan in terms of using these platforms for campaign purposes. Magiging considered ‘yan na donated advertising time eh, so magiging issue ‘yan,” ayon kay Jimenez.

Samantala, nagbibigay naman ngayon ang Comelec ng libreng ‘live streaming’ para sa ‘online political rallies’ sa mga kandidato sa pamamagitan ng kanilang Campaign S.A.F.E. Comelec e-Rally Channel sa Facebook.

Binibigyan ng online airtime ang mga kandidato sa President, Vice President, Senator ant party-list groups mula tatlo hanggang 10 minuto para ihayag ang kanilang mga plataporma. (Carl Angelo)

Tags:

You May Also Like

Most Read