Pinagsabihan ng Supreme Court (SC) ang mga miyembro ng Commission on Elections (Comelec) matapos na hindi isinama ang isang vice presidential aspirant sa balota noong May 2022 elections.
Sa inilabas na desisyon noong Hulyo 5 na inilabas lamang sa publiko nitong Nobyembre 22, sinabi ng SC na nakagawa ng ” grave abuse of discretion ” ang Comelec nang hindi ito tumugon sa temporary restraining order (TRO) na pumigil kay Wilson Amad’ na hindi.maisama sa opisyal na balota.
Nag-ugat ang hindi pagkakasama sa balota ni Amad sa pinagtibay na desisyon ng Comelec en banc noong Enero 3,2022 kung saan sa desisyon ng 1st division noong Disyembre 13, 2021, nabigo umano si Amad na patunayan na siya ay may intensiyon na tumakbo bilang vice president sa Northern Mindanao. Gayundin ang kakayahan nito na maglunsad ng nationwide campaign.
Sinabi ng SC na alinsunod sa 1987 Constitution, sinumang may sapat na edad, Filipino citizen, may voting at residence qualification ay maaring kumandidato sa pagka-Vice President.
“Clearly, being known throughout the Philippines and having an established network nationwide are not qualifications for vice president. In fact, the lack thereof [is] not even grounds to be declared a nuisance candidate in accordance with the Omnibus Election Code,” ayon pa sa ruling ng SC.
Sa kaso ni Amad, wala umanong ebidensiya na nagpapakita na gagawin lamang nitong katawa-tawa ang halalan sa paghahain niya ng certificate of candidacy. (Jaymel Manuel)














