Latest News

COMELEC, MAGSASAGAWA NG MALL VOTING PARA SA 2025 ELECTIONS

By: Jaymel Manuel

Magsasagawa ng mall voting ang Commission on Elections (Comelec) para sa 2025 National and Local Elections (NLE).

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na maglalagay sila ng voting precincts sa mga malls para sa midterm polls para maging komportable sa pagboto ang mga botante.

Tutukuyin pa lamang ng Comelec ang mga malls na lalahok sa mall voting.

“Lahat ng malls sa buong bansa lalong lalo sa Metro Manila magpapaboto po tayo,” ani Garcia, kasabay ng paglilinaw na tuloy pa rin ang botohan sa mga pampublikong paaralan at hindi nila pupuwersahin na ang venue ng botohan ay mailipat pa.

Sinabi ni Garcia na wala ring magiging karagdagang gastos sa Comelec ang mall voting dahil sasagutin ito ng mga mall owners mismo.

Tags:

You May Also Like

Most Read