Latest News

Si Comelec Chairman George Garcia habang inihahayag na marami pang madi-disqualify sa iba't-ibang paglabag sa regulasyon ng halalan.

COMELEC, MAGDI-DISQUALIFY PA NG HIGIT 30 KANDIDATO

By: JANTZEN ALVIN

MAHIGIT sa 30 kandidato pa para sa May 12 national and local elections ang nakatakdang sampahan ng disqualification case dahil sa illegal campaign materials habang tatlong iba pang kandidato ang ipadi-disqualify din dahil naman sa paglabag sa anti-discrimination resolution.

Ayon kay Commission on Election (Comelec) Chairman George Erwin Garcia, nasa 30 hanggang 35 kandidato, na kinabibilangan ng isang senatorial bet, ang kakasuhan ng Comelec Task Force Baklas dahil sa umano’y paglabag sa mga panuntunan ng poll body sa illegal campaign materials.


“Mga 30 to 35 katao ang kakasuhan ng Task Force Baklas officially ng kaso dahil sa hindi pagtatanggal ng mga campaign materials na ni-require ng task force na tanggalin and despite several notices at pakiusap,” ani Garcia.

Samantala, nasa tatlong kandidato naman aniya ang sasampahan ng disqualification petition ng Task Force SAFE (Safeguarding Against Fear and Exclusion in Election) ng Comelec dahil sa paglabag sa anti-discrimination resolution.


“May tatlong kakasuhan ang Comelec sa anti-discrimination resolution bagamat madami nang nakasuhan ang Comelec ay may napili na maaaring guilty sa pambabastos o pandi-discriminate ng ibang tao,” ani Garcia.

Samantala ay nagpahayag naman ng pagkadismaya si Garcia dahil patuloy pa ring dumarami ang mga ganitong insidente kahit marami na silang nasampahan ng kaso at may ipinadiskuwalipika na rin.


Ayon pa kay Garcia, pipigilan nila ang proklamasyon ng mga kandidatong may nakabinbing kaso sakaling magwagi sila sa halalan.

Tags: Commission on Election (Comelec) Chairman George Erwin Garcia

You May Also Like

Most Read