Latest News

Comelec: Huling COC para sa May 9 polls, natanggap na ng NBOC

Kinumpirma ng Commission on Elections (Comelec) na natanggap na ng National Board of Canvassers (NBOC) ang huling certificate of canvass (COC) para sa May 9, 2022 national and local elections nitong Miyerkules, Mayo 25,ng madaling araw.

Sa isang mensahe sa mga mamamahayag, sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia na dakong alas-4:16 ng madaling araw nang matagumpay na mai-transmit electronically, sa NBOC ang COC mula sa Tubaran, Lanao del Sur.

Ito na aniya ang ika-173 at huling COC para sa halalan.


Matatandaang Mayo 24 nang magdaos ang pamahalaan ng special elections sa naturang lugar matapos na magkaroon ng failure of elections doon noong Mayo 9 dahil sa naganap na karahasan, pagbabanta at intimidasyon.

Ani Garcia, ‘glitch-free’ o walang anumang naranasang aberya sa naturang special elections na pinangasiwaan ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP).

Inaasahan namang ngayong alas-3:00 ng hapon ng Miyerkules, ay muling magko-convene ang Comelec, bilang NBOC, para ituloy ang canvassing ng mga boto para sa party-list groups sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City.

Target ng Comelec na maiproklama ang mga winning party-list groups ngayong Mayo 26 (Huwebes) o Mayo 27 (Biyernes). (Jaymel Manuel)


Tags: Commission on Elections (Comelec)

You May Also Like

Most Read