Latest News

Comelec: Higit 1M botante, nagparehistro na para sa 2023 BSKE

Iniulat ng Commission on Elections (Comelec) nitong Biyernes ng gabi na umaabot na sa mahigit isang milyon ang mga botante na naghain ng aplikasyon para sa voter registration sa bansa.

Sa datos na inilabas ng Comelec, nabatid na mula Disyembre 12, 2022 hanggang alas-5:00 ng hapon ng Enero 20, 2023, kabuuang 1,029,212 aplikasyon na para sa 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ang kanilang natanggap.


Sa naturang bilang, 1,024,521 botante ang nagpatala sa ilalim ng regular na voter registration mula Disyembre 12, 2022 hanggang Enero 14, 2023 habang 4,691 naman ang nagparehistro sa ilalim ng kanilang Register Anywhere Project (RAP) mula Disyembre 17, 2022 hanggang Enero 20, 2023.

Nabatid na sa naturang mga aplikasyon, kabuuang 597,655 ang pawang new registration, kabilang ang 594,919 sa ilalim ng regular registration at 2,736 naman sa RAP.

Ilan pa naman sa mga aplikasyong natanggap ng Comelec sa mga naturang petsa ay transfer of registration from other city/municipality na nasa kabuuang 232,364; transfer of registration within the same city/municipality na nasa 58,215; application for transfer with reactivation na nasa 10,300; application for transfer with reactivation and correction of entries na nasa 3,576; application for transfer with correction of entries na nasa 11,684; application for reactivation na nasa 43,314; application for reactivation with correction of entries na nasa 11,743; application for change of name/correction of entries na nasa 55,653; application for inclusion of record in the book of voters na nasa 84; application for reinstatement of name in the list of voters na nasa 32 at application para sa transfer of registration from OAV (overseas absentee voting) na nasa 4,592.


Kaugnay nito, umaasa naman ang pamunuan ng Comelec na madaragdagan pa ang naturang bilang ng mga nagpaparehistro habang papalapit ang araw nang pagtatapos ng voter registration.

Ang voter registration para sa 2023 BSKE ay sinimulan noong Disyembre 12, 2022 at nakatakdang magtapos sa Enero 31, 2023. (Anthony Quindoy)


Tags: Commission on Elections (Comelec)

You May Also Like

Most Read