HANDA na ang Comission on Elections (Comelec) para sa ikalawang presidential debate mamaya sa Sofitel Hotel Tent sa Pasay City.
Magsisimula ang debate mamayang alas-7:00 ng gabi na live ding mapapanood sa social media platform ng poll body.
Siyam sa sampung kandidato sa pagkapangulo ang lalahok sa debate kabilang sina:
1. Ernesto Abella
2. Ka Leody de Guzman
3. Manila Mayor Isko Moreno Domagoso
4. Norberto Gonzales
5. Sen. Panfilo Lacson
6. Sen. Manny Pacquiao
7. Faisal Mangondato
8. Jose Montemayor Jr.
9. Vice President Leni Robredo
Hindi naman makakadalo si Marcos na una na ring hindi sumipot sa unang debate ng Comelec noong Marso 19.