Comelec en banc, nag-convene na bilang NBOC

By: Baby Cuevas

Nag-convene na billang ang National Board of Canvassers (NBOC) ang Commission on Elections (Comelec) en banc para sa 2025 midterm elections nitong Lunes ng hapon.

Si Comelec Chairperson George Garcia mismo ang nanguna sa en banc session dakong alas- 3:30 ng hapon, na sinundan ng appearance ng mga abogadong kumakatawan sa mga national candidates.


Ang NBOC ang siyang mangunguna sa pagbibilang ng mga boto para sa kandidato sa national elections.

Ang midterm elections sa bansa ay sinimulan ng Comelec, sa pamamagitan ng early voting hours, mula alas-5:00 ng madaling araw hanggang alas-7:00 ng umaga, para sa vulnerable sectors o yaong mga senior citizen, buntis at may kapansanan.

Matapos naman ang early voting, kaagad nang ipinagpatuloy ang regular voting hours, na sinimulan naman mula alas-7:00 ng umaga at magtatapos dakong alas-7:00 ng gabi.


Samantala ay inihayag naman ng Comelec na hindi na nila palalawigin ang oras ng botohan ngunit lahat umano ng mga botante na nakapila na sa polling precincts ay pahihintulutan pa ring makaboto kahit lumampas na ang deadline ng botohan.


Tags: Comelec Chairperson George Garcia

You May Also Like