COMELEC: Company ID, di na tatanggapin sa voter’s registration

By: Anthony Quindoy

Hindi na tatanggap ang Commission on Election (Comelec) ng company ID sa pagpaparehistro sa darating na voters’ registration sa bansa sa susunod na buwan para sa 2025 National and Local Election (NLE).

“Bawal na po ang company IDs. Hindi na po natin papayagan ang company ID, dapat po government-issued lamang ang pupwede magparehistro,” ayon kay Comelec Chairman George Garcia dahil naabuso umano ang paggamit nito.


Sinabi ni Garcia na ang voters’ registration ay magsisimula sa Pebrero 12 at magtatagal hanggang sa Setyembre 30, 2024, habang ang voters’ registration naman para sa mga overseas Filipino ay nagpapatuloy at hanggang sa Disyembre 2029 pa balido ang kanilang registration.

Ayon kay Garcia, target ng Comelec na makapag-rehistro ng may tatlong milyong bagong botante para sa NLE bilang karagdagan sa 68 milyong nakarehistro nang botante.

Gayundin, palalawakin pa ng Comelec ang pagpapatupad ng “Register Anywhere Project”, kung saan maaring makapagpa-rehistro ang mga Filipino sa mga booth sa isang establisimiyento o mall.


Tags: Commission on Election (COMELEC

You May Also Like