Latest News

COMELEC BUWAGIN — GEN. PARLADE REVOLUTIONARY GOVERNMENT KUNG KAILANGAN…

NAGTUNGO si Retired AFP Southern Luzon Command chief at dating deputy director-general ng National Security Council (NSC) Antonio Parlade Jr. sa Peoples Power Monument sa Edsa Quezon City kahapon ng umaga upang isulong ang isang revolutionary government.

Sa panayam ng media kay Parlade, sinabi nito na kung kinakailangan ang isang revolutionary government upang gamutin ang sakit sa sistema ng mga ahensya ng gobyerno, bakit hindi.

Gayunman, nilinaw ni Parlade na hindi siya nanawagan ng revolutionary government , sinagot lang daw niya ang tanong ng ilang mamahayag na sumugod sa Peoples Power Monument matapos na lumutang ang balitang nanawagan siya nito.


Katunayan ay patuloy umano niyang sinusuportahan ang gobyerno ni Pangulong Duterte at ang ayaw lamang niya umano ay ang kabulukan sa sistema at ang posibleng pamamayagpag ulit ng CPP-NPA at ng mga dilawan.

Binakbakan ni Gen Parlade ang talamak na corruption sa COMELEC, talamak na corruption sa justice department at maging ang talamak na corruption sa umano sa legislative.

“Buwagin ang COMELEC palitan ang mga commissioner palitan ang sistema,” ani Parlade sabat pag-akusa sa COMELEC na kumikita ng umano ng milyon sa pagtanggap ng mga Partylist para tumakbo at kumakatawan sa mga kuwestyunableng marginalized sectors na pagkakalooban ng umaabot sa P500 milyon.

Ayon kay Parlade, mananatili siya sa Peoples park ng ilang araw para dinggin ang hinaing ng mamamayan at kung paano ito masosolusyunan hanggang sa marinig ng mga kinauukulan .


Sinabi pa ni Parlade na nakasuot lamang ng simpleng T-Shirt ng AFP Southern Luzon Command na ito ay peaceful expression o peaceful assembly.

Samantala, kahapon aynaglabas ng pahayag ang AFP na “The Armed Forces of the Philippines (AFP) is firm in its resolve to be loyal to the Constitution and the duly constituted authorities.

“The 145,000-strong soldiers, airmen, sailors, and marines of the AFP stand solid behind the chain-of-command. It is our responsibility to uphold integrity as we execute our duty to serve the nation,” ani Col Ramon Zagala.

Kinikilala umano ng hukbong sandatahan ng Pilipinas ang freedom of expression ng mamamayan , ay hindi nila sinusuportahan o susuportahan ang anumang extra legal means na labas sa Saligang Batas na kanilang sinumpaang na protektahan. (VICTOR BALDEMOR)


Tags:

You May Also Like

Most Read