Latest News

Comelec bukas sa pagbago ng guidelines sa in-person campaigning

BUKAS ang Commission on Elections (Comelec) na baguhin ang guidelines hinggil sa kampanya kasunod ng panawagan ng ilang kandidato.

Ayon kay Acting Comelec Chairman Socorro Inting, ang umiiral na guidelines ay binuo habang nasa Alert Level 3 ang ilan sa mga lugar sa bansa. Ito ay alinsunod sa polisiya ng Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF).

Sa naturang guidelines,mahigpit na ipatutupad ang minimum health protocol standards habang nangangampanya at bawal din ang anumang physical contact tulad ng beso beso, pakikipag kamay at yakap ng mga kandidato sa kanilang mga supporters.


Dahil bumaba na alert level status sa karamihan ng mga lugar ay napapanahon na din na baguhin ang guidelines.

Samantala, ayon kay Comelec Spokeperson James Jimenez, kung babaguhin man ang guidelines ay tiyak na alinsunod pa rin ito sa kautusan ng IATF.

Posible rin umano na payagan na ang hindi pagsusuot ng face shield sa polling places subalit mananatili pa rin ang mandatory na pagsusuot ng face mask.

Nagpaalala rin ang poll body sa mga kandidato na may kaukulang fine at pagkakulong ang paglabag sa health protocols.


Tags:

You May Also Like

Most Read