Latest News

Comelec: Bidding sa vote transmission para sa 2025 NLE, bukas na

By: Jaymel Manuel

Pormal nang binuksan ng Commission on Elections (Comelec) kahapon ang bidding sa Secure Electronic Transmission Services (SETS) para sa resulta ng 2025 National and Local Elections (NLE).

Nabatid na ang SETS ay gagamit ng telecommunication networks at ang procurement project ay kinabibilangan ng pagtatayo ng data centers at connectivity requirements para sa Automated Election System (AES) servers.

Ayon sa Comelec, apat na kumpanya ang bumili ng bidding documents para sa proyekto ngunit dalawang joint venture lamang ang pormal na nagsumite ng offer sa Comelec Special Bids and Awards Committee (SBAC) on AES.

Kabilang umano sa mga ito ang joint venture ng eBiZolution, Inc.-Secur Links Network and Technologies Inc.-Systems Information at Solutions Corporation at ang joint venture ng iOne Resources, Inc. at Ardent Networks, Inc..

Sinabi ni Comelec spokesperson at SBAC vice chairman Rex Laudiangco na nagdesisyon ang poll body na kontratahin ang mga serbisyo lamang para sa transmission ng mga boto para midterm polls, sa layuning magkaroon ng checks and balances sa AES.
Aniya pa, dahil sa procurement ng transmission services, ang lahat ng board of canvassers ay sabay-sabay na makakatanggap ng parehong resulta ng boto.

Giit ni Laudiangco, inaasahan rin nilang sa pamamagitan ng procurement ng transmission services at mga bagong ACMs ay magiging mas mabilis ang transmission ng boto, magkakaroon ng mas kaunting failure rate at makakatipid pa ng daang milyong pondo ang pamahalaan.

Tags:

You May Also Like

Most Read