Latest News

COMELEC AT MIRU, NAGPIRMAHAN NA NG KONTRATA PARA SA 2025 NLE

By: Baby Cuevas

Pormal nang ibinigay sa South Korean company na Miru Systems Company Limited ang kontrata para sa procurement ng bagong automated election system (AES) na gagamitin sa nalalapit na pagdaraos ng 2025 National and Local Elections (NLE).

Ito ay matapos na lagdaan na ng Commission on Elections (Comelec) ang kontrata ng joint venture ng Miru Integrated Computer Systems at St. Timothy Construction Corporation and Centerpoint Solutions Technologies, Inc.

Bago ang contract signing na ginanap sa Chairman’s Hall sa Palacio del Gobernador sa Intramuros, Manila ay inihayag na din ng Comelec na sa Miru ipinagkakaloob ang kontrata.


Pumirma sa kontrata sina Comelec Chairman George Garcia, Comelec Commissioner Rey Bulay at Miru President Chung Jin Bok dakong alas-10 ng umaga.

Napag-alaman na ang kontrata ay nagkakahalaga ng P17.99-bilyon. Kasama rito ang may 110,000 makina at peripherals kabilang na ang ballot boxes, laptops at iba pang printing requirements para sa midterm polls bilang bahagi ng lease ng ‘Full Automation System with Transparency Audit and Count (FASTrAC).’


Tags: Commission on Elections (Comelec)

You May Also Like

Most Read