Latest News

Comelec appointments, dinepensahan ni Pangulong Duterte

IDINEPENSA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang mga bagong appointees na opisyal sa Commission on Election(Comelec) kasunod sa pagkuwestyon ng ilan sa transparency ng appointment process.

Una nang inianunsiyo ni Duterte ang appontment ni Saidamen Balt Pangarungan bilang chairman ng Comelec, gayundin sina George Garcia at Aimee Torrefranca-Neri bilang commissioners.

“He’s a Maranao. He’s good. He’s a lawyer, at saka marami na itong dinaanan na sa gobyerno ,” ani Duterte kay Pangarungan sa panayam ni Pastor Apollo Quiboloy na ini-ere noong Sabado.


Ayon kay Duterte si Pangarungan ay head ng National Commission on Muslim Filipinos bago ang kanyang appointment sa Comelec

Habang si Garcia ay dating election lawyer na ang mga dating naging kliyente ay sina presidential candidates Isko Moreno at Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., gayundin ang ilang mambabatas.


“Ito namang si Garcia, would you believe it? He’s a neutral choice para sa akin kasi ito ‘yung… As a matter of fact, he has always been the lawyer of the late [former Speaker Prospero] Boy Nograles ito si Garcia,” dagdag ni Duterte.

Sinabi ni Duterte na.mula’t sapul ay nasa kabila si Nograles pero siya ang ini-appoint para walang masabi.


Si Torrefranca-Neri,naman ay mayroong multiple positions sa Duterte administration. Mula sa Department of Justice (DOJ) ay napunta ito sa Department of Social Welfare and Development.

Una nang iginiit ng poll watchdog”Kontra Daya” sa Malakanyang na ipakita ang shortlist ng.mga nominee para sa Comelec posts matapos na ipahayag ang kanilang pagkadismaya dahil sa kawalan ng pakikilahok ng publiko sa selection process. (Anthony Quindoy)

Tags: Commission on Election(Comelec)

You May Also Like

Most Read