COMELEC, AMINADONG NAPAHIYA SA PAG-ATRAS NG DEBATE, PINAIIMBESTIGA NA ANG NANGYARI

INAMIN ng isang opisyal ng Commission on Elections (Comelec) na napahiya sila sa pag-atras ng iskedyul ng huling Presidential at Vice Presidential Town Hall Debates kasabay ng pangako na aalamin kung sino ang totoong may pananagutan sa insidente.

Sa panayam sa radyo, sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia na pinangungunahan na ni Commissioner Rey Bulay ang imbestigasyon sa kontrobersya at binigyan na ang lahat ng kampong sangkot hanggang ngayong Lunes para magsumite ng kani-kanilang pormal na pahayag.


“Hindi puwedeng palampasin lamang nang ganun-ganun, dahil nga… to a certain extent… napahiya din naman nang kahit paano ang Commission on Elections dito sa bagay na ito,” ayon kay Garcia.

Nabatid na hininto ang mga debate na orihinal na nakaiskedyul ng Abril 23 at 24 dahil sa pagbabayad umano ng mga talbog na tseke ng kontraktor na Impact Hub sa Sofitel Hotel.

Naiusog ang naturang mga debate sa darating na Abril 30 at Mayo 1 na inisponsoran na ng Kapisanan ng mga Broadkaster ng Pilipinas (KBP).


Iginiit rin ni Garcia na wala umanong inilalabas na pondo ng baya ang Comelec sa pagsasagawa ng naturang mga debate dahil base sa kontrata ay pinapayagan ang Impact Hub na maningil sa mga makukuha nilang mga advertisers. (Carl Angelo)


Tags: Commission on Elections (Comelec)

You May Also Like