NASA huling yugto na nang ginagawang paghahanda ang Commission on Election at mga deputized government security forces para sa gaganaping Barangay at Sangguniang Kabataan election sa darating na Oktubre 30, 2023
Nakatakdang pulungin ng COMELEC ang mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at Philippine Coast Guard (PCG) kaugnay sa inilalatag nilang seguridad para matiyak na maayos at mapayapang mairaos ang BSKE .
Ito’y sa pamamagitan ng isang command conference hinggil sa mga paghahanda para sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections .
Inaasahang pangungunahan ni Chairman George Erwin Garcia ang COMELEC en banc ang gagawing pakikipag talakayan sa iba pang deputized government agencies, Citizens’ Arm at Civil Society Organizations .
Kabilang sa mga inaasahang tatalakayin ay ang ilang update sa mga inilalatag na security preparation, isyu hinggil pag-iimprenta ng mga balotang gagamitin sa halalan at paghahatid nito sa ibat ibang lugar sa buong bansa.
Bukod sa mga posibleng kaharapin hinggil sa nakatakdang paglilipat ng mga presinto sa 10 barangay mula sa Makati patungong Taguig, preparasyon ng mga guro na magsisilbing Board of Election Inspectors at maraming iba pa.














