Comelec, 90% nang handa para sa 2023 BSKE

Nasa 90% na umanong handa ang Commission on Elections (Comelec) para sa pagdaraos ng October 30, 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa bansa.

Sa isang public hearing nitong Martes, sinabi ni Comelec Spokesperson Rex Laudiangco na, “Binabalita ko po sa inyo na 90% mahigit na po na handa ang Comelec.”


Iniulat rin niya na nasa 60 milyon na, mula sa kabuuang 66 milyong balota, na gagamitin sa barangay elections ang natapos nang maiimprenta.

Nailimbag na rin aniya ang 20 milyon, mula sa 23 milyong balota, na gagamitin para sa SK polls.
Maging ang iba pa aniyang mga materyales na gagamitin sa halalan, gaya ng mga panulat, indelible inks, folders, at accountable forms ay handa na rin.

Sa ngayon ay hinihintay na lamang anila nila ang desisyon ng Korte Suprema sa apela laban sa October 30 schedule ng naturang halalan. (Jantzen Tan)


Tags: Commission on Elections (Comelec)

You May Also Like