Latest News

Comelec: 7 barangay sa Lanao del Sur at Samar, hindi nakaboto para sa 2023 BSKE

By: Baby Cuevas

Kinumpirma ng Commission on Elections (Comelec) nitong Martes na may pitong barangay pa sa mga lalawigan ng Lanao del Sur at Samar ang hindi nakaboto para sa 2023 Barangay Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, ang anim sa mga naturang barangay ay matatagpuan sa Lanao del Sur habang ang isa naman ay sa Samar.


Ipinaliwanag ni Garcia na hindi dumating sa takdang oras ang mga election paraphernalia na gagamitin sana sa eleksiyon kaya’t hindi nakapagdaos ng halalan doon nitong Lunes, Oktubre 30.

Aniya, sa Lanao del Sur ay naantala ang paghahatid sa mga election paraphernalia sa anim na barangay at hindi dumating ng alas-12:00 ng tanghali.

Hindi naman aniya naihatid ng mga sundalo, mga pulis at mga election officials ang mga gamit para sa halalan sa Calbayog City sa Samar, matapos na paputukan sila ng mga insurgent habang patungo sa barangay doon.


Tiniyak naman ni Garcia na kaagad naimpormahan ng maayos ang mga botante sa mga apektadong barangay na maaantala ang eleksiyon sa kanilang lugar.

Itinuloy na lamang aniya ang halalan nitong Martes, mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon.


Tags: Commission on Elections (Comelec)

You May Also Like