By: Jantzen Alvin
Binuo ng Commission on Elections (Comelec) ang task force na mag-iimbestiga sa alegasyon na nagkaroon ng korapsiyon at iregularidad sa bidding ng 2016 automated election system (AES) project.
Nabatid na ang Task Force ay binubuo ng 12 miyembro na.pinili base sa kanilang kredibilidad at kaalaman sa proseso ng bidding.
Ayon kay Comelec chairperson George Erwin Garcia ,nag-isyu siya ng memorandum sa mga.departamento na may kaugnayan sa bodding na ibigay ang kinakailangan na dokumento,kontrata at papel esna may kaugnayan sa pagbili nh AES noong 2016.
“We want to know the root cause of this. Are the accusations true? What are the pieces of evidence in the hands of America? Who are the other people involved in this issue?” ani Garcia sa sidelines ng ginawang paglagda sa memorandum of agreement sa pagitan ng poll body at Public Attorneys Office (PAO), para mapalakas ang kaso sa vote- buying.
Ang imbestigasyon ay may kaugnayan sa kasong money laundering na isinampa ng United States Department of Homeland Security laban kay dating Comelec chairman Andres Bautista.
Base sa ulat, inilagay umano ni Bautista sa US accounts ang mga suhol mula sa mga matataas na opisyal na hindi tinukoy na technology service provider firm.
Pinamunuan ni Bautista ang Comelec mula Abril 2015 hanggang Oktubre 2017.
Ayon kay Garcia ,layunin ng task force na matanggalan ng maskara ang mga sangkot sa korapsiyon at iregularidad, maging sila man ay nanatiling nasa Comelec.
Nabatid na rerebisahin ng Task Force lahat ng dokumento at tatapusin bago matapos ang 2023 at kung kinakailangan, sasampahan sila ng kaso ng Comelec en banc.