COLOMBIAN NATIONAL, NAHULIHAN NG P8.5-M HALAGA NG LIQUID COCAINE

By: Victor Baldemor Ruiz

ISANG Colombian national ang nahulihan umano ng ‘liquid cocaine’ na nagkakahalaga ng P8.5 million matapos na madiskubre ang pagdating nito sa Port of Clark ng Philippine Drug Enforcement Agency at Bureau of Custom.

Ayon sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni PDEA Director General Moro Virgilio Lazo, kinilala ang suspek na si Santiago Francisco Amado Sopo, alyas Antonio Cordero, 32.


Itinatayang nasa 1,350 milligrams ng liquid cocaine na nagkakahalaga ng P8,522,400 ang nakuha sa isinagawang ‘controlled delivery operation’ kamakalawa ng ng gabi.

Dumating umano ang iligal na parcel na naglalaman ng mga prohibited substance sa Port of Clark noong Hunyo 21 sa pakikipag- ugnayan sa kanila ng Aduana

Napag-alaman sa report na isinumite ng PDEA Region 3 na bunsod ng pagkakadiskubre sa likidong cocaine ay inilatag ang isang controlled delivery at target na masakote ang consignee ng droga na naninirahan sa Makati City


Narekober mula sa suspek ang isang brown box, tatlong plastic bottle containers na bawat isa ay naglalaman ng liquid cocaine; dalawang identification cards; isang cell phone.

Ang operasyon ay isinagawa ng PDEA Central Luzon, PDEA IS, PDEA NCR, Bureau of Customs- Port of Clark, PNP AVSEC 3, Makati SDEU at Makati CPS.


Isang non-bailable offense sa ilalim ng section 4 (importation of dangerous drugs) ng Republic Act 9165 ang isasampa laban sa nadakip na suspek.


Tags: Bureau of Custom, Philippine Drug Enforcement Agency

You May Also Like

Most Read